Saturday, October 9, 2010

Wondering..



hmm. sadyang maraming bagay ang nangyayari sa mundo. minsan gugulatin ka ng mga ito, parang kidlat. minsan naman dahan-dahan sila magparamdam, parang kanser. pero nasa tao pa rin na nagdadala nyan e. tama ba ako doon??

may mga araw na napakasaya mo. parang mamamatay ka na sa saya. may araw naman na parang gusto mo isumpa ang lahat ng makakasalubong mo. may mga araw na gusto mo manahimik ka lang sa isang sulok. minsan akala mo lahat ng nakakasalubong mo kalahi ni kokey. oo lalo na kapag naka-shabu ka.

syempre. anjan yung mga nagmamagaling na sasabihin "mas malala yung nararanasan ko kesa sayo". hell, kala nyo nakaka-comfort? hindi! oo nga mas malala nga yang nararanasan mo PARA SA'YO. sadyang hndi pare-parehas ang standard ng tao sa mundo. maaring mababaw sa kanya at malalim sayo. kaya minsan yung mga nagmamagandang loob napapasama din. dahil na rin dun.

may mga araw din na akala isandaang itim na pusa ang nakasalubong mo at saksakan ka ng malas. yung mga situation na akala mo ikaw na ang pinagsarhan ni swerte ng pinto. yung mga tipong nwalan ka na nga baon kase nalaglag sa jeep, tapos nangutang ka tapos ninakaw yung inutang mo. alam mo yun? ako kasi hindi..

may mga situation din na akala mo sobrang wala ka ng magagawa, yung akala mo ikaw na talunan. yung mga tipong tumatama na yung hinala mo. well. magiba na ang magiba. alam mo yung pakiramdam ng suka na nilagyan ng kalamansi. parng sinasabi na "hindi pa sapat ang asim mo, kelangan pa dagdagan", pasalamat ka nga lang hindi kili-kili yung idinagdag eh

hmm. bakit nga ba may mga taong bitter? ewan ko din eh. ako din naman nakakaramdam ng bitterness. normal lang siguro yun. okay lang naman maging bitter di ba? lalo na kapag may katwiran. kaso pag naging bitter ka sa isang tao dahil gusto mo lang o nakikiuso ka lang kasi lahat ng kabarkada mo may taong kina-bi-bitter-an, aba eh kung isampal ko kaya sayo tong amapalayang ito??

pride vs. love vs. relationship. tatlong makapangyarihang salita. akala mo lason na kapag dumaloy sa g\dugo mo eh kayang tunawin mga lamang-loob mo. pride. lahat ng tao meron nito. merong malalim na pride, mababaw na pride, maprinsipyong pride, mahiyaing pride, pride chicken, at pride na bareta. meron naman maidudulot na maganda ang pride. pero least lang ang good effect nya sa isang healthy relationship. limang letra lang yang pride na yan pero dumudurog ng mga mahahabang salita tulad ng relationship at friendship. love. lahay ng tao kelangan nito. walang ni isang tao ang mag-e-exist pag walang love. ano nga ba ang love? hindi naman love ang nararamdaman mo kung ang dahilan mo eh dahil sa sexy sya at maganda, hanep tol, libog lang yan. ang love, merong sariling dahilan, pero ang dahilan na iyon ay hindi na dapat inaalam. alam mo kung bakit? kasi kung alam mo na yung reason kung bakit mo siya mahal, pag nawala yung reason na yun, at na-process na ng utak mo na kulang sa brainfood na wala ka ng dahilan para pa kumapit sa kanya, eh iiwan mo na sya. so LOVE WITHOUT REASON, and BE HAPPY WITHOUT :LIMITATION :D. relationship. sabi nila if may love, may relationship. what the hell, relationship lang yan. para san pa yan? pang-post sa facebook at twitter? once na love mo yung isang tao, at love ka rin nya, magkakaroon kagaf kayo ng mutual link sa isa't isa. Automatic na yun. d na kailangang i-memorize.

bakit ko nga ba ginwa ang blog entry na to? wala lang. para merong pagsayangan ng oras. minsan kase kelangan talaga sayangin ang mga oras na hindi dapat sayangin sa bagay na hindi worth it pagsayangin ng oras. hutaena iba talaga ang puyat. mas malala sa marijuana at shabu. ohsha. baka kung ano pa masabi ko dito. :D

--ZzarWeak XD

No comments:

Post a Comment